bakit di ka nila maunawaan?
Ano ba ang 'yon pagkukulang?
bakit ka nila ginaganyan?
'di ko maintindihan
Pati ako nahihirapan
'pag nakikita ko ang inyong kalagayan
'di kita kinakaawaan
'di din kita kinakampihan
Gusto ko lang, kayo'y magkaayusan
ikaw ay labis na nasasaktan
Sila 'man siguro'y di nasisiyahan
Pero, ano ba ang pinagmulan?
'di kase tayo nakakapagkwentuhan
Ayaw din kitang umiyak na naman
Pero, gusto kitang tulungan
'wag mong isipin na ikay' nawalan,
dahil sila ang tunay na nawalan,
Ng tapat na kaibigan.
'di pa 'to ang katapusan
Marami ka pang maaasahan
Kami din ay iyong kaibigan.
Tama na ang dramahan
masyado nang marami ang naapektuhan
Tanggapin na lang natin ang katotohanan
'di na mababalik ang nakaraan
Ang mahalaga ay ang kasalukuyan
At alam mo ang 'yong pinaglalaban
Ginusto nila yan,
'di ba masaya ka din naman?
isang ngiti naman jan!
(cute/ugly/funny drawing of a cheer dancer with pompom haha)
End.
-Norman Granados
4H2
written by Norman in 2004 or 2005
1 comment:
I fell in love with Norman having the heart to create this poem for me.
Oh yeah, he was one of my crushes back in college.
Post a Comment